dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, hindi na maalala ang paglipat ng COVID-19 fund sa PS-DBM

Hindi eksaktong maalala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay siya ng awtorisasyon para ilipat ang P47.6 billion sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa pagbili ng COVID-19 protective equipment.

Sa interview ng social media personalities sa Davao City, inihayag ng dating pangulo na posible ngang nagsabi siya ng “go ahead.”

Gayunman, binigyang diin ni Duterte na sa laki ng halaga ng fund transfer ay igigiit niya, bilang isang abogado na ilagay ito sa memo.

Noong Lunes ay isiniwalat ni datingHealth Secretary Francisco Duque III sa house committee on appropriations na pinayagan ni Duterte ang transfer dahil sa public health emergency.

Ipinaliwanag naman ng dating pangulo na dahil pandemic noon ay pressured ang pamahalaan na humanap ng solusyon kung paano po-protektahan ang health workers.

About The Author