dzme1530.ph

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon, tiniyak ng DA at BFAR

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon, at hinihintay pa nila ang reports sa agricultural damage.

Kabilang aniya sa mga naapektuhan ang bahagi ng Canlaon City, sa Negros Oriental at mga lugar sa Negros Occidental, gaya ng La Castellana, La Carlota, Pontevedra, Bago, Balidoling, San Enrique, Hinigaran, at Binalbagan.

Para naman sa fisheries sector, inihayag ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na pinaghahanda ang lahat ng provincial fishery offices para tumulong sa mga naapektuhang mangingisda, lalo na sa mga nasa industriya ng freshwater inland fish ponds.

About The Author