Nakapagtala ng 20,322 deaths ang War on Drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa loob lamang ng labing pitong buwan o 39.46% Daily average death.
Ito ang lumitaw sa hearing ng House Committee on Human Rights na pinamumunuan ni Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Mirando Abante Jr.
Ang bilang ay tatlong beses na mas malaki kumpara sa 6,200 deaths na sinasabi ng Duterte administration sa kabuuhan ng anim na taon.
Binasa ni Human Rights Lawyer Jose Manuel Diokno ang bahagi ng extended resolution ng Supreme Court (SC) na nagbanggit ng 20,322 war deaths na galing mismo sa 2017 Yearend Accomplishment Report ng Office of the President.
Ayon sa SC resolution, ang 20,322 drug suspects na napatay ay sa pagitan ng July 1, 2016 hanggang November 27, 2017.
3,967 ay sinasabing napatay ng mga pulis sa mga operasyon, habang ang 16,355 ay kagagawan ng Riding In Tandem at iba pang unknown person.”
Ayon naman sa iba pang Drug watch groups aabot hanggang 30,000 ang napatay sa Drug on War sa ilalim ng Administrasyong Duterte.