dzme1530.ph

Proteksyon, pagpapasigla sa Ecosystem, isinusulong ngayong World Environment Day

Isinusulong ng Malakanyang ang pinaigting na proteksyon at pagpapasigla ng ecosystem.

Ito ay kasabay ng pakikiisa sa World Environment Day 2024 ngayong Hunyo 5.

Sa Social media post, inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na ang temang “Our Land, Our Future” ay nakatutok sa Land restoration, Desertification, at Drought resilience, o ang pagbuhay sa mga tuyot na lupa.

Kaugnay dito, hinikayat ang lahat na sama-samang suportahan ang mga inisyatibo sa ilalim ng Sustainable Development Goalsn at sa pagpapatibay ng mga komunidad laban sa Climate Change.

About The Author