Posibleng magamit na ng mga pasahero ang mga elevator sa limang footbridges sa kahabaan ng EDSA busway ngayong buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega, na umaasa sila na bago sumapit ang Hulyo ay magiging functional na ang mga elevator para makapagbigay ng ginhawa sa mga commuter.
Ikinatuwa naman ng mga pasahero, lalo na ng mga senior citizen, ang napipintong pagbubukas ng busway elevator, dahil hirap silang gumamit ng footbrige.
Samantala, inanunsyo rin ng Department of Transportation ang posibleng pagbubukas ng unang labindalawang istasyon ng MRT-7 sa pagtatapos ng 2025.
Ang labindalawang ruta na target buksan ay mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte sa Bulacan.