Kinondina at tinututulan ni Gabriela Women’s Partylist Representative Arlene Brosas ang pinatupad na Toll Increase sa North Luzon Expressway (NLEX) na aprubado ng Toll Regulatory Board (TRB).
Ayona kay Brosas, “adding salt to injury” ang umento lalo’t halos gumapang ang taong-bayan sa hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng bilihin lalo na ang pagkain at serbisyo.
Ang Toll Hike ay magreresulta umano sa pagtaas sa Bus fare, presyo ng Agricultural produce, at Basic goods mula sa probinsya na ibinabyahe gamit ang NLEX.
Ayon sa NLEX Corporation binigyan basbas ng TRB ang Second Tranch ng Periodic Toll Adjustments Base sa 2018 at 2020 Petitions.
Sa bagong rates ang End-to-End travel mula Metro Manila hanggang Mabalacat City ay madaragdagan ng P27 para sa Private vehicles, P68 sa mga buses, at P81 pesos sa mga truck.
Nangako si Brosas na haharangin nito ang toll hike sa pamamagitan ng paghahain ng House Resolution dahil pagpapahirap ito sa taong-bayan.