dzme1530.ph

Pagpapanatili ng mababang taripa sa maraming produkto, inaprubahan ng NEDA Board

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapanatili ng mababang taripa sa maraming produkto.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na inaprubahan ang Comprehensive Tariff Program 2024-2028.

Layunin nitong matiyak ang access at abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin, habang ibina-balanse ang interes ng consumers at local producers.

Kabilang sa mga hindi gagalawing taripa ay sa mais, karneng baboy, at mechanically deboned meat, upang matiyak ang maayos na suplay at makontrol ang inflation ng mga nabanggit na produkto.

Kasama rin ang asukal, at mga gulay tulad ng sibuyas, bawang, broccoli, carrots, cabbage, lettuce, kamote, cassava, coffee substitutes, at feeds.

Kaugnay dito, maglalabas ang Pangulo ng Executive Order para sa Comprehensive Tariff Program.

About The Author