dzme1530.ph

Dekalidad at disenteng tirahan para sa mga Pilipino, posible na dahil sa 4PH ng Marcos admin

Dekalidad na tahanan na kumpleto ng iba’t ibang amenities na dati’y sa mga subdivision at condominium lamang makikita ang nadatnan ni House Speaker Martin Romualdez sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH sa San Mateo, Rizal.

Natuwa ang House leader dahil kakaiba ang socialized housing sa ilalim ng Marcos gov’t o ang Build, Better More (BBM) dahil kumpleto na ito ng iba’t ibang amenities gaya ng club house, basketball court, swimming pool at iba pa.

Sa talumpati ni Romualdez sinabi nito na “ito ang pangarap ni Pang. Marcos, ang mabigyan ng disenteng tirahan at dignidad ang mga Pilipino, at manirahan sa isang mapayapang kumunidad.

Binanggit nito na sa Metro Manila pa lamang, 170,000 housing units ang itinatayo sa 55 lugar, hiwalay pa ito sa mga itinatayo rin sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Tiniyak ni Romualdez na may sapat na pondo ang mga proyektong ito, alinsunod pa rin sa utos ng Pangulo, kaya nananatiling on track ang national gov’t sa original target nitong 1-M housing units sa bawat taon ng administrasyong Marcos hanggang 2028, o makumpleto ang 6.5-M housing backlogs.

About The Author