dzme1530.ph

Ukraine, humiling ng mental health workers sa Pilipinas sa harap ng digmaan

Humiling si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Pilipinas na magpadala ng mental health workers sa kanilang bansa, sa harap ng nagpapatuloy na digmaan laban sa Russia.

Sa bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang, inihayag ni Zelenskyy na nangangailangan sila ng marami pang health workers para sa mga sundalo at iba pang hukbong humaharap sa krisis.

Iginiit ni Zelenskyy na napakarami ng nangangailangan ng tulong sa kanilang bansa, at napakahalaga ng psychological mental health.

Sinabi naman ni Marcos na kilala ang Pilipinas sa healthcare at pagtulong, at maaari itong magpadala ng mental health workers.

Tiniyak ng pangulo na gagawin nito ang lahat upang matulungan lalo na ang mga sibilyan at inosenteng nadamay sa digmaan.

About The Author