Magbubukas ang Ukraine ng embahada sa Pilipinas ngayong taon.
Ito ang inanunsyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa bilateral meeting kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang ngayong Lunes ng umaga.
Magandang balita naman ito para kay Marcos, kasabay ng pagtitiyak na handa silang patuloy na tumulong sa Ukraine sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya.
Sinabi rin ni Marcos na bagamat nabigo silang makapag-usap sa Singapore sa sidelines ng Shangri-la dialogue dahil sa kawalan ng oras, masaya pa rin ito na nakahanap ng panahon si Zelenskyy para dumaan sa Pilipinas.
Sa ngayon ang Pilipinas ay nasa ilalim ng jurisdiction ng embahada ng Ukraine sa Malaysia.