Nakatakdang lagdaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, Hunyo 3, ang batas na magtataas sa P10,000 sa teaching allowance ng public school teachers sa bansa.
Pipirmahan ng pangulo ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” sa seremonya sa palasyo mamayang alas-4 ng hapon.
Sa ilalim nito, itataas na sa sampunlibong piso ang taunang teaching allowance ng mga guro simula sa School Year 2025-2026.
Magagamit nila ito sa pagbili ng teaching supplies at materials, incidental expenses, at iba pang gastos sa paraan ng pagtuturo o learning modalities.
Bukod sa pangulo, inaasahang dadalo rin sa ceremonial signing sina Vice President at Education Sec. Sara Duterte, Senate President Francis “Chiz” Escudero, House Speaker Martin Romualdez, at iba pang opisyal.