dzme1530.ph

Pilipinas, lalahok sa global peace summit sa Switzerland

Lalahok ang Pilipinas sa global peace summit na idaraos sa Switzerland ngayong buwan, sa harap ng pagsusulong ng mapayapang pag-resolba sa Russia-Ukraine war.

Matapos ang bilateral meeting kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang, kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na makikiisa ang Pilipinas sa taunang peace summit na gaganapin sa Hunyo 15-16.

Kasabay nito’y tinalakay ni Zelenskyy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kinatawan sa global summit ng mga bansa sa Southeast Asia.

Ito ang kauna-unahang pag-bisita ni Zelenskyy sa Pilipinas sa kasaysayan ng bilateral relations ng dalawang bansa.

Sa ngayon ay hindi pa kinumpirma ng Malacañang kung mismong si Pang. Marcos ang dadalo sa global peace summit.

About The Author