dzme1530.ph

Pola LGU, patuloy na naghahanap ng kabuhayan ng mga mangingisdang apektado ng oil spill

Patuloy na naghahanap ang lokal na pamahalaan ng Pola, Oriental Mindoro ng alternatibong mapapagkakitaan ng mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill.

Ayon kay Pola Mayor Jennifer Cruz, sa 4,800 pamilya na apektado ng oil spill, kalahati rito ang nakadepende ang kabuhayan sa pangingisda.

Binigyang-diin pa ng alkalde na bagamat tumutulong ang pamahalaan  sa pamamagitan ng cash-for-work program, hindi pa rin aniya dapat na umasa.

Nabatid na umabot na sa 47 kilometers ng coastal areas sa 11 barangay sa bayan ng Pola ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress noong February 28.

About The Author