dzme1530.ph

Ukrainian Pres. Zelenskyy, nagpasalamat sa suporta ng Pilipinas sa kanilang territorial integrity at sovereignty

Nagpasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa suporta ng Pilipinas sa kanilang territorial integrity at sovereignty.

Sa bilateral meeting ng dalawang lider sa Malacañang, nagpasalamat si Zelenskyy sa posisyon ng Pilipinas sa pananakop ng Russia sa kanilang bansa.

Binanggit din nito ang pag-boto ng Pilipinas pabor sa United Nations resolution na kumo-kondena sa Russian invasion.

Ikinagalak naman ni Marcos ang inilaang panahon ni Zelenskyy para bumisita sa Pilipinas sa kabila ng krisis sa kanilang bansa.

Umaasa rin ang pangulo na makahahanap sila ng mga solusyon sa mga isyung kinahaharap ng kani-kanilang mga bansa.

 

About The Author