dzme1530.ph

Tagumpay ng back-to-back visit sa Brunei at Singapore, gagamitin sa pagpapalakas ng ekonomiya at seguridad

Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gagamitin niya ang tagumpay ng back-to-back visit sa Brunei at Singapore, para sa pag-aangat ng ekonomiya at seguridad ng Pilipinas.

Ngayong araw ng Sabado ay nakabalik na ang pangulo ng bansa matapos ang halos isang linggong foreign trip.

Sa kanyang arrival message, sinabi ni Marcos na sa pakikipagpulong kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, tinalakay ang relasyon sa depensa at maritime cooperation, gayundin ang kooperasyon sa ekonomiya at people-to-people exchanges.

Kaakibat nito ang nilagdaang tatlong memorandum of understanding at isang letter of intent sa tourism cooperation, international convention on standards of training, certification and watch keeping for seafarers, maritime cooperation, at agrikultura.

Samantala, sa kanyang keynote address naman sa Shangri-la dialouge sa Singapore ay isinulong ng pangulo ang tindig ng Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea at sa geopolitical issues.

About The Author