dzme1530.ph

DSWD at DOLE nagtulungan sa pagtugon sa epekto ng climate change

Nagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) na pa-igtingin ang kakayahan ng mga komunidad sa epekto ng climate change.

Ito ang nilagdaang kasunduan sa ilalim ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished).

Ang mga benipisyaryo ng Project LAWA at BINHI ay makakatanggap ng daily minimum wage rage na P470 kung saan sila ay sasailalim sa mga pagsasanay sa disaster risk reduction, climate change adaptation, at practical skills para sa maayos na water harvesting, gardening, at iba pa.

Ang proyektong ito ay may P1.4 billion na pondo para sa 1,400 na benepisyaryong indibidwal.

About The Author