Mananatili ang masidhing pagpapatrolya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ).
Ito ay sa kabila ng pina-iiral ng China na “unilateral fishing ban” kung saan huhulihin ng mga ito ang sinumang banyagang maglalayag sa inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.
Katuwang nito ng AFP ang Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Acquatic Resources.
Layon ng kasundaluhan na panghawakan ang prinsipyo at konstitusyon ng soberanya ng bansa.