Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang panukala upang payagan ang mga dayuhan na makakuha ng Professional Examination sa bansa para sa sertipikasyon.
Sa kanyang Senate Bill 2679 o ang panukalang pag-amyenda sa Professional Regulatory Commission Modernization Act, nilinaw ng senador na ang sertipikasyon ay hindi mangangahulugan na papayagang magsanay ang mga dayuhan dito sa bansa.
Binigyang-diin ng sendor na ipinagmmamalaki ng gobyerno ang dekalidad nating edukasyon na nakaeengganyo sa mga dayuhang estudyante na mag-aral dito.
Sinabi ni Lapid na isa sa mga vocation ay ang medical education na sa nakalipas na mga dekada, maraming dayuhan ang kumuha.
Ipinaliwanag pa ng senador na bunsod na rin ng pagdami ng mga substandard at fly-by-night na mga paaralan at diploma mill, marami nang mga bansa ang nag-oobliga na magkaroon ng sertipikasyon ang mga dayuhang mag-aaral ng Licensure Examination sa bansa.