dzme1530.ph

Mahigit 2K katao, hindi pa rin nakakauwi matapos lumikas sa kasagsagan ng bagyong Aghon

Nasa mahigit 2,000 katao pa rin ang hindi pa nakakauwi sa kani-kanilang mga tahanan, makaraang lumikas sa kasagsagan ng bagyong Aghon.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Command Center, 2,290 indibidwal o 566 na pamilya ang pansamantala pa ring nanunuluyan sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

417 katao o 107 na pamilya naman ang nananatili pa rin sa 11 evacuation centers.

Pumalo na sa kabuuang 155,766 na katao o 43,994 na pamilya ang apektado ng bagyong Aghon mula sa Metro Manila, Region 1, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western, central, at Eastern Visayas.

Kabuuang 7,668 na bahay din ang nasira kabilang ang 755 na totally damaged, at 6,913 na partially damaged.

About The Author