dzme1530.ph

Panukalang divorce, napapanahon nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Pabor si Sen. Loren Legarda na ilatag na sa plenaryo ng Senado ang isinusulong na Divorce Bill.

Sinabi ni Legarda na pumirma siya sa Committee Report ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality upang maisulong na ang debate at pagtalakay sa panukala.

Gayunman, hindi direktang sinabi ni Legarda kung siya ay pabor o hindi sa Divorce bill.

Inamin naman niyang napapanahon nang talakayin ang panukala upang matukoy pa ang mga hakbangin na dapat gawin para sa kapakanan ng mga naabusong babae maging ng mga lalaki sa gitna ng kanilang pag-aasawa.

Mayroon anyang iba’t ibang bersyon ang panukala kaya’t nais din muna niya itong mabusisi nang husto sa plenaryo.

Kailangan anyang matiyak na magiging katanggp-tanggap at accessible ang panukala sa mahihirap na pamilya na walang kakayahang kumuha ng abogado.

About The Author