Panibagong batch na mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang ligtas na nakauwi ng bansa mula Israel.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang 32 OFWs mula Israel ay nag-avail ng voluntary repatriation program ng pamahalaan lulan ng Flight EY424 na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Sa inilabas na datos ng OWWA umabot sa kabuuan, 927 OFWs ang napauwi ng pamahalaan mula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 2023.
Bukod sa financial assistance, nagpaabot din ang OWWA ng food at transportation assistance pati na rin hotel accommodation, sa mga kababayang uuwi sa kanilang mga probinsiya.
Tiniyak naman ng OWWA na nanatiling nakasuporta ang pamahalaan sa mga mangagawang Pinoy sa ibang bansa para masiguro na ligtas ang kanilang pag uwi sa Pilipinas.