Humingi ng paumanhin sa publiko si Sen. Francis Tolentino nang maaresto ang dalawa nitong escorts mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng police markings.
Ipinaliwanag ni Tolentino na ang mga nasabat na motorsiklo ay pag-aari ng MMDA at walang kontrol ang kanilang tanggapan sa kung anumang markings ang ikakabit dito.
Kasabay nito, hiniling na ng senador sa MMDA na alisin ang lahat ng stickers, decorative man o international decals, at pinatitiyak ang pagsunod sa mga regulasyon.
Hinimok din ng senador ang mga awtoridad na imbestigahan ang pinagmulan ng police at master rider’s badge na nakita sa mga motorsiklo ng dalawang escorts.
Muli namang tiniyak ni Tolentino ang suporta sa law enforcement agencies at patuloy na makikipagtulungan para maipatupad ang rule of law sa bansa.