dzme1530.ph

Mataas na heat index, mararanasan pa rin sa harap ng tag-ulan ayon sa PAGASA

Mararanasan pa rin ang mataas na heat index sa bansa kahit na nagtapos na ang tag-init at opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Dr. Marcelino Villafuerte II na may mga lugar ang magkakaroon pa rin ng mainit na panahon, kabilang ang eastern section ng Visayas, Mindanao, at maging sa ilang parte ng Metro Manila.

Ang pinakamatinding bugso ng mainit na panahon ay mararanasan bandang alas-2 o alas-13 ng hapon, na ito namang magdudulot ng pamumuo ng mga ulap na magbubunga ng mga pag-ulan dakong alas singko ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Kaugnay dito, patuloy na pinapayuhan ang publiko na uminom pa rin ng maraming tubig.

About The Author