dzme1530.ph

Sen. Marcos, duda sa kakayahan ng COMELEC sa pagmonitor ng paggamit ng AI sa eleksyon

Hindi tiwala si Sen. Imee Marcos na may kapabilidad ang Commission on Elections (COMELEC) para matukoy ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa eleksyon sa 2025.

Ito ay sa kabila ng pagiging bukas ng senadora sa ipinapanukala ng COMELEC na i-ban ang paggamit ng AI at deepfakes sa 2025 elections.

Sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng polisiya ay mahihikayat ang pagkakaroon ng transparency sa buong campaign process.

Gayunman, duda siya kung may kakayanan ang COMELEC at kahit anumang ahensya ng gobyerno sa kasalukuyan na ma-detect ang paggamit ng AI at deepfakes.

Sa ganito anya kasing mga polisiya dapat maging epektibo at napapanahon ang pagdedetect sa AI.

About The Author