Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may sapat na pondo ang kanilang ahensya para tugunan ang bagong variant ng COVID-19 gayundin ang pagbili ng mga updated na bakuna.
Pinabulaanan ni Health Undersecreatry Achilles Bravo na hindi totoo ang lumabas sa balita na walang pera ang kanilang ahensya para sa bagong bakuna.
Ito’y matapos mausisa ni House Committee On Appropriations Marikina Representative Stella Quimbo ang ulat sa pahayagan na sinasabing walang pondo ang DOH para protektahan ang mga Pilipino sa bagong FLiRT variant.
Dagdag pa ni Bravo na hindi pa alam kung anong klaseng variant ito ngunit nakaalerto at naka-monitor na ang kanilang ahensya sa mga bed occupancy sa mga ospital para handa sila anumang oras na may pumutok na emergency.