dzme1530.ph

China, sinabihan ang Pilipinas na huwag mag-alala sa bagong polisiya ng kanilang coast guard

Hindi dapat magdulot ng anumang alalahanin ang bagong polisiya ng China Coast Guard na maaring magresulta sa pag-aresto at pag-ditine sa mga dayuhan sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ng Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, matapos ilarawan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.  ang naturang rules bilang “escalation” at “worrisome” o nakababahala.

Una nang inanunsyo ng china, na simula sa June 15 ay ipatutupad nila ang 2021 Coast Guard Law at ikukulong ang mga dayuhang magti-trespass sa inaangkin nilang teritoryo.

Sinabi ni Mao na layunin ng kanilang polisiya na magkaroon ng standard law enforcement at mas epektibong maritime order, kaya walang dapat ipangamba ang sinuman basta walang mangyayaring iligal na hakbang.

Sa kanyang katatapos lamang na state visit sa Brunei, inihayag ni Pangulong Marcos na gagamitin ng Pilipinas ang anumang point of contact sa China upang matigil ang kanilang mga agresibong aksyon at magkaroon ng kalayaan ang mga mangingisdang Pilipino sa South China Sea.

About The Author