dzme1530.ph

Brunei business leaders, hinikayat ng Pangulo na ituring ang Pilipinas bilang prime investment destination

Hinikayat ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang business leaders sa Brunei na tingnan ang Pilipinas bilang isang pangunahing investment destination.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Business Forum sa Bandar Seri Begawan, inihayag ng pangulo na sa harap ng lumalagong populasyon at income ng rehiyon, mabilis ding lumalawak ang market para sa goods and services.

Ito umano ang lumilikha ng kaliwa’t kanang oportunidad na maaaring samantalahin ng mga negosyante at investors.

Kaugnay dito, ibinida ni Marcos ang mga polisiya ng kanyang administrasyon sa pagpapagaan ng pagne-negosyo sa Pilipinas, kabilang ang pagsusulong ng ease of doing business at pagpapa-simple sa tax system.

Sinabi rin ni Marcos na makagaganda sa dalawang bansa ang pagtutulungan sa halal industry, sa harap na rin ng pagiging mayaman ng Pilipinas sa agricultural resources.

About The Author