dzme1530.ph

Pilipinas at Brunei, magtutulungan sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region

Magtutulungan ang Pilipinas at Brunei sa pagsusulong ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region.

Sa dinaluhang state banquet sa state visit sa Brunei, inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang magtulungan ng dalawang bansa katuwang ang buong ASEAN, para sa kaayusan hindi lamang sa rehiyon, sa Asya, kundi sa buong Indo-Pacific.

Iginiit pa ni Marcos na mahalaga ang kanyang state visit sa gitna ng kinahaharap na global challenges.

Kaugnay dito, importante umanong buhayin ang partnerships sa modernong panahon.

Mababatid na tulad ng Pilipinas, ang Brunei ay isa ring claimant sa pinag-aagawang Spratly islands.

About The Author