Ibinabala ng isang eksperto na posibleng gamitin ang deepfake technology sa midterm elections sa susunod na taon.
Ayon kay Jamel Jacob, legal and policy advisory/coordinator ng Foundation for Media Alternatives, Inc. (FMA), nakita na sa ibang bansa na mayroong pagkakataon na ginamit ang deepfake para manipulahin ang halalan.
Bunsod nito, pinayuhan ng FMA ang publiko na maging mas maingat, dahil hindi lahat ng naka-post sa online ay totoo.
Paalala ni Jacob, isa sa mga negatibong paggamit ng deepfakes ay ang pagkalat ng disinformation o misinformation.
Aniya, maaari itong magdulot ng panic, kaguluhan, o away sa pagitan ng dalawang bansa kung mayroong maniniwala.
Bagaman mayroong mga pamamaraan para ma-detect ang deepfake contents, inamin ng FMA na hindi pa rin ito totally accurate.