dzme1530.ph

Malilikhang 49,000 na trabaho mula sa P1.26-T investments sa Pilipinas, ipinagmalaki ng Pangulo

Ipinagmalaki ni Pang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Overseas Filipino Workers (OFW) sa Brunei, ang pumasok na 1.26 trillion investments sa Pilipinas noong 2023.

Sa pakikisalamuha sa filipino community sa Brunei, inihayag ng pangulo na sa oras na maisakatuparan ang investments, inaasahang lilikha ito ng mahigit 49,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Ito umano ang patunay ng tiwala ng investors sa bansa.

Bukod dito, patuloy umanong sinisikap ng administrasyon na makalikom ng mas marami pang investments para sa mas marami pang job opportunities, upang ang pagta-trabaho abroad ay maging isa na lamang career choice at hindi nag-iisang option.

Kaugnay dito, hinikayat ng pangulo ang mga OFW na magbalik-bansa balang araw at mamuhunan din sa Pilipinas.

About The Author