dzme1530.ph

La Niña season, tapos na

Pormal nang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagwawakas ng La Niña season o panahon ng tag-ulan.

Pero paalala ng weather bureau, na kahit tapos na ang La Niña, posible pa ring makaranas ang bansa ng above-normal na pag-ulan dahil sa “lag effects”.

Dagdag pa ng PAGASA, ang El Niño ay magdadala pa rin ng below-normal condition na pag-ulan na pwedeng maging sanhi ng tagtuyot sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Matatandaang, una nang idineklara ng United States National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ang pagtatapos ng La Niña noong March 9 at sinundan ng Bureau of Meteorology (BOM) ng Australia na naglabas naman ng deklarasyon ngayong araw kasabay ng El Niño watch

About The Author