dzme1530.ph

2 Oscars award winning movies, muling ipalalabas sa mga sinehan sa bansa

Matapos manalo ng major awards sa 95th Academy Awards, balik sa mga sinehan sa Pilipinas ang mga pelikulang “Everything Everwhere All at Once” at “The Whale.”

Simula ngayong March 15 ay ipalalabas sa mga piling sinehan sa Metro Manila ang dalawang nabanggit na pelikula.

Ang “Everything Everywhere all at Once” ay itinanghal na Best Picture sa katatapos lamang na Oscar awards, habang sina Daniel Kwan at Daniel Sheinert ang nanalo ng Best Director.

Naiuwi naman ni Michelle Yeoh ang Best Actress trophy habang nasungkit nina Ke Huy Quan at Jamie Lee Curtis ang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress awards.

Napanalunan din ang naturang pelikula ang Best Original Screenplay at Best Film Editing.

Samantala, ang “The Whale” naman ang nanalo ng Best Makeup and Hairstyling award habang lead actor na si Brendan Fraser ang itinanghal na Best Actor.

Ipalalabas din sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Linggo ang “Ajoomma” na entry ng Singapore sa Oscars.

About The Author