dzme1530.ph

Coast guard outpost ng Pilipinas, binuksan na matapos ang military build-up ng China

Binuksan ng Pilipinas ang isang coast guard post sa dulong hilaga ng bansa, upang palakasin ang seguridad kasunod ng military build-up ng China malapit sa Taiwan.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, magtitipon ang nasabing outpost ng mahahalagang maritime data, na magbibigay-daan sa Philippine Coast Guard, na tugunan ang mga banta tulad ng ipinagbabawal na kalakalan, trafficking, piracy, at panghihimasok ng mga dayuhan.

Aniya, ang pagtitiyak ng kapayapaan, katatagan, at kalayaan sa paglalayag sa Luzon, ay napakahalaga para matiyak ang pambansang seguridad at ekonomiya ng Pilipinas.

Ang nasabing outpost ay bungsod, ng nanatiling mainit ang agawan ng Pilipinas at China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

About The Author