Kumpiyansa si dating Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na sa bagong Government Procurement Act mas magiging episyente ang mga transaksyon sa gobyerno, maiiwasan ang mga pagsasayang at mapapalakas ang tiwala ng mga mamumuhunan sa bansa.
Naghihintay na lamang ng lagda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na naglalayong masolusyunan ang mga problema sa kasalukuyang batas kaugnay sa procurement.
Sinabi ni Angara na siyang principal author at sponsor ng Senate Bill No. 2593 na minamandato sa bagong procurement law ang mas malawak na transparency, competitiveness, efficiency, professionalism accountability, at sustainability sa government procurement process.
Binigyang-diin ng senador na ang NGPA ay produkto ng ilang buwang konsultasyon sa lahat ng stakeholders partikulad sa executive branch na naglalayong makatipid subalit maibibigay pa rin ang mas maayos na serbisyo sa publiko.
Papalitan ng bagong batas ang Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act na nagsilbing bureaucracy’s bible sa lahat ng transaksyong may kinalamman sa public fund sa loob ng 21 taon.
Saklaw ng government procurement ang proper market scoping, supply positioning, analysis ng mga procurement modalities, at risk management.