dzme1530.ph

DOE at ERC, muling kinalampag sa pagpalya ng mga power plants

Muling iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na parusahan ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga power plants na maaaring nagpapabaya sa “reliability index” na dahilan ng red at yellow alert status sa bansa.

Sinabi ng senador na kritikal na ang mga bantang ito na dahilan para taasan na ang kapasidad sa enerhiya ng bansa para maabot ang mga economic targets.

Mungkahi pa niya sa DOE at ERC na imbestigahan ang mga planta ukol sa hindi planado at puwersadong power outages.

Kasabay nito, nararapat na magtulung-tulong aniya ang lahat mg industriya para maibalik ang operasyon ng mga planta.

Para maibalik ang operasyon ng mga hydroelectric plants, nararapat na madaliin ang pagpapatupad ng cloud seeding habang dapat gumawa rin ng paraan para mabawasan ang epekto ng mga outages sa mga konsyumer.

About The Author