dzme1530.ph

Mga lugar na nag-deklara ng state of calamity dahil sa El Niño, lumobo na sa 374

Lumobo na sa 374 ang bilang ng mga bayan at siyudad sa bansa na nag-deklara ng state of calamity dahil sa El Niño o matinding tagtuyot.

Ayon kay Task Force El Niño Spokesman at PCO Assistant Sec. Joey Villarama, kabilang sa mga nasa state of calamity ay ang buong Bangsamoro Region, at labing-isa pang lalawigan.

Nasa P9.5 billion naman ang pinsala sa agrikultura, kabilang ang nasirang 162 ektarya ng lupain.

Sa kabila nito, sinabi ni Villarama na dahil nagsisimula na ang mga pag-ulan, inaasahang maiibsan na ang nararanasang matinding init.

Inaasahan ding magsisimula na sa lalong madaling panahon ang rehabilitasyon ng mga nasirang lupang sakahan, kasabay ng paghahanda sa tag ulan at La Niña.

About The Author