Inihayag ng National Food Authority (NFA) na ang desisyon ng konseho na itaas ang presyo ng pagbili ng palay, ay nagbigay-daan sa ahensya na pataasin nang husto ang imbentaryo ng ‘unhusked rice’ sa loob ng isang buwan.
Itinaas ng NFA Council ang procurement price kada kilo ng palay sa P23 hanggang P30, para sa malinis na palay mula sa P29 hanggang P23.
Habang ang presyo ng pagbili para sa ‘fresh and wet” rice ay tumaas sa P17 hanggang P23 mula P16 hanggang P19 noong April 11.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, maituturing na ‘game changer’ ang mag naging pagbabago sa price scheme.
Dagdag pa nito, ikinagalak ng ilang magsasaka ang naging inisyatibong ito ng administrasyong Marcos, dahil sa layuning mapataas ang kanilang kita.