Hindi magpapatupad ang Department of Health ng deployment cap o limitasyon sa mga ipinadadalang healthcare workers sa ibang bansa, sa kabila ng 190,000 na kakulangan sa manpower ng healthcare sector.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, sa halip ay itataas nila ang produksyon ng Filipino Health Workers tulad ng nurses.
Sinabi rin ni Herbosa na hindi dapat itigil ang pag-eexport ng isang magandang produkto na may mataas na demand.
Kaugnay dito, sinisikap na umanong dagdagan ang state universities and colleges na nakapag-produce ng magagaling na nurses.
Binanggit din nito ang ipinatutupad na return service agreement sa ilang SUCs, kung saan ang mga nagtapos na iskolar ay ino-obligang mag-trabaho muna sa Pilipinas.