Nakapagtatala ang Pilipinas ng 55 na bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) kada araw, na pinaka-mataas sa buong mundo.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Health Sec. Ted Herbosa na tinayang nasa 59,000 na Pilipino ang kasalukuyang namumuhay nang may HIV.
Tinatamaan na rin umano nito kahit ang mga batang edad 15.
Sa kabila nito, sinabi ni Herbosa na mababa pa rin ito para sa bansang may 110 million na populasyon.
Tiniyak naman ng DOH ang pagpapalawak ng HIV testing sa hanggang 95% ng mga Pilipino na posibleng may HIV.
Makikipagtulungan din ito sa DepEd para sa edukasyon ng mga bata laban sa sakit.
Pinag-iisipan din ang programa na magpapahintulot sa mga doktor o guardian na magbigay ng antiretroviral treatment sa mga batang pasyente.