Abot-kamay na ang pagsasabatas sa New Government Procurement Reform Act (NGPA).
Ito ang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) matapos makalusot ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa senado.
Pinuri ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang liderato ng senado partikular ang sponsor ng Senate Bill No. 2593 na si Sen. Sonny Angara, dahil sa pag-suporta sa modernisasyon ng central procurement system ng gobyerno.
Maituturing din umano itong malaking tagumpay para sa DBM Procurement Service, at sa Gov’t Procurement Policy Board – Technical Support Office.
Kaugnay dito, umaasa si Pangandaman na maisasabatas na ang proposed New Gov’t Procurement Reform Law na magtataguyod ng procurement system na transparent, epektibo, maaasahan, at may accountability.
Layunin ng panukala na wakasan ang side deals, under-the-table agreements, uncompetitive behavior, korapsyon, at iba pang kriminal na gawain sa procurement ng pamahalaan.