Pumalag si Former Presidential Spokesman Salvador Panelo sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang umanong nagawa ang dalawang nagdaang administrasyon sa rehabilitasyon sa mga winasak ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Ayon kay Panelo, maaaring misinform o maling impormasyon ang nakarating sa Pangulo dahil hindi tamang sabihin na dalawang taon lamang ang nakakaraan ng magsimula ang rehabilitasyon.
Ipinaliwanag nito na 160,000 housing units ang naitayo sa ilalim ng Administrasyong Aquino at sinimulan ang pamamahagi nito sa mga biktima noong 2014.
Sa panahon naman ng Duterte Administration, nailabas ang pondo para sa nalalabing 45,000 housing units at natapos ang lahat ng target housing projects noong 2022.
Makikita umano sa records na naipamahagi ang 85% na target housing units sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaya’t 15% na lamang ang natira para sa Administrasyong Marcos.