Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio G. Cardinal Tagle bilang special envoy sa nakatakdang 10th National Eucharistic Congress sa Indianapolis, United States ngayong July 17–21.
Nakatakdang pangunahan ni Cardinal Tagle ang Concluding Mass bilang kinatawan ni Pope Francis sa pagtatapos ng Eucharistic Congress.
Ikinagalak naman ni Archbishop Timothy P. Broglio, pangulo ng United States Conference of Catholic Bishops (USCCB) ang pagkakatalaga kay Tagle.
Nakakasiguro si Archbishop Broglio na maraming dadalo sa congress ang makakakuha ng inspirayon mula kay Tagle dahil sa malalim nitong karanasan bilang misyonero na masindhing nakaugat Eukaristiya.
Ang National Eucharistic Congress ay naglalayong maimulat ang publiko sa tunay na presensya ni Kristo sa Eukaristiya na siyang saligan ng pananampalataya ng Simbahang Katolita.
Umaasa naman si Archbishop Broglio na mapapanibago nito ang lahat na isabuhay ang misyon ng pagkakaisa at pag-ibig.
Si Cardinal Tagle ay kasalukuyang pro-prefect ng Dicastery for Evangelization sa Vatican.