Mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga posibleng magmamanipula sa presyo ng mga bilihin, sa paparating na La Niña kung saan inaasahan ang mas madalas at mas malalakas na pag-ulan.
Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, mananatiling aktibo ang pagpapatupad ng mga regulasyon, at ang sinumang mahuhuling dawit sa illegal price manipulation ay parurusahan sa ilalim ng batas.
Makikipagtulungan din ang DTI sa Department of the Interior and Local Government para sa pag-reactivate ng local price coordinating councils, upang ma-protektahan ang consumers.
Ipina-alala rin ni Pascual na awtomatikong ipatutupad ang price control sa mga lugar na isasailalim sa state of calamity.
Ang La Niña ay inaasahang magsisimula nang umiral sa mga susunod na buwan.