dzme1530.ph

Kaso ng dengue sa bansa, bumaba ng 30%

Bumaba ng 30% ang kaso ng dengue sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos mula sa DOH, bumagsak sa 3,634 ang dengue cases simula april 21 hanggang may 4 mula sa 5,380 cases noong March 24 hanggang April 6.

Inihayag din ng ahensya na simula ng mag-umpisa ang 2024, umabot na sa 459,267 ang naitalang kaso ng dengue bansa, kabilang ang 164 na nasawi.

Dahil sa papalapit na tag-ulan, pinaalalahanan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang publiko na alisin o sirain ang mga posibleng breeding sites ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

About The Author