Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang digital pre-border technical verification at cross-border electronic invoicing sa lahat ng imported commodities.
Sa Administrative Order No. 23, nakasaad na ito ay para sa epektibong pag-monitor sa international trade transactions, at pagpapabilis ng pag-iinspeksyon sa imported commodities.
Layunin din nitong mapaigting ang national security, at ma-protektahan ang karapatan ng consumers laban sa mga sub-standard at mapanganib na imported goods.
Kaugnay dito, itatatag ang committee for pre-border technical verification and cross- border electronic invoicing na pamumunuan ng kalihim ng Department of Finance, habang magsisilbing mga miyembro ang mga kalihim ng Department of Agriculture, DTI, DOE, DOH, DENR, at DICT, gayundin ang BOC commissioner, PDEA Director General, at dalawang kinatawan mula sa industry associations.