Average na labindalawang libong Pilipino ang namamatay kada taon bunsod ng road accidents.
Pahayag ito ni Health Spokesperson Albert Domingo, kasabay ng paggunita ng Road Safety Month.
Sinabi ni Domingo na ang mga biktima ay pedestrian na nabangga o nasagasaan habang tumatawid sa kalsada, pati na mga motorcycle at bicycle riders at mga sumasakay ng tricycle.
Inihayag ng health official na tumaas ang road traffic deaths sa bansa sa 11,097 mula sa 7,938.
84% sa naturang bilang ay mga lalaki.
Samantala, batay sa report, pang-walo ang road traffic injuries sa top causes of death sa buong mundo.