dzme1530.ph

Law enforcement na sangkot sa drug recycling, hindi titigilan —kongresista

Nangako si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na ipi-pindown niya ang mga law enforcement personnel na dawit sa recycling ng mga ilegal na droga.

Sinabi ito ni Barbers matapos makakalap ng patunay na halos 20 taon na palang  modus operandi  ito ng mga uniform personnel.

Mababatid na nagsasagawa ang Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Barbers ng motu proprio inquiry, kung saan sa isinagawang executive session, nabunyag ang mga ilegal na drogang nakumpiska at narekober ng mga otoridad na mahigit dalawang dekada na palang ginagawa.

Dahil dito tiniyak ng mambabatas na hindi sila titigil, hanggat hindi natatanggalan ng maskara ang mga tiwaling pulis na sumisira ng maraming buhay para lang yumaman sa buhay.

About The Author