Nanawagan si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa militar na paigtingin pa ang kakayanan upang mai-akma ito sa mga makabagong uri ng warfare o pakikidigma.
Sa Talk to Troops’ sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro City, hinikayat ang mga sundalo na pag-aralan ang skills o mga kakayanan laban sa modern warfare, kabilang na ang nasa digital space.
Ibinabala rin nito na ang mga kaaway ay patagong papasukin ang mga komunidad at institusyon.
Kaugnay dito, pinayuhan ang militar na maging handa sa paglaban sa false narratives, disinformation, at digital operations na naglalayong lumikha ng hindi pagkaka-unawaan sa mga Pilipino.
Tiniyak din ng Commander-in-Chief ang kahandaan ng countermeasures ng pamahalaan.