Naobserbahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mahinang phreatic activity sa Taal volcano sa Batangas.
Nakapagtala ang ahensya ng apat na mahihina at sunod-sunod na phreatic o steam-driven eruptions na lumikha ng makapal na puting usok na may taas na 300 meters sa taas ng taal main crater, sa pagitan ng 8:54 A.M. Hanggang 5:38 P.M. kahapon.
Sa loob ng mahigit isang buwan ay umabot na sa sampung phreatic eruptions ang naitala sa bulkang Taal, subalit walang indikasyon ng mas malakas na pagsabog.
Tumaas naman sa 5,094 tonnes per day ang sulfur dioxide emissions noong May 13, habang nanatiling mataas ang average emissions simula noong Enero.