dzme1530.ph

Ina ng Maute brothers, sinentensyahang makulong ng hanggang 40 taon

Sinentensyahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 266 si Ominta Romato Maute, ang matriyarka ng pamilya Maute sa Marawi City ng hanggang apatnapung taong pagkabilanggo dahil sa terrorism financing.

Sa ruling na ibinahagi ng Justice Department, guilty beyond reasonable doubt ang hatol ng Taguig RTC kay Ominta sa paglabag sa Section 4 ng Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Pinarusahan ito na makulong ng 17 taon hanggang reclusion perpeatua o 40 taong pagkabilanggo, at pinagmumulta rin ng kalahating milyong piso.

Nakasaad din sa desisyon na kinumpirma ni Ominta na ang kaniyang mga anak na sina Omar at Abdullah ang nagtatag ng ISIS sa Pilipinas.

Ang magkapatid na Maute ang itinurong mga mastermind sa Marawi seige noong 2017.

About The Author